Share on facebook
Share on email
Share on twitter
Share on pinterest
Share on linkedin
Share on telegram

NOVEMBER 14, 2020
TEMPLO CENTRAL
QUEZON CITY, PHILIPPINES

50TH ANNIVERSARY OF INCSD; 10TH ANNIVERSARY OF INC MUSIC;
AND COMMEMORATION OF MILESTONE ANNIVERSARIES
OF 14 LOCAL CONGREGATIONS

50TH ANNIVERSARY OF INCSD; 10TH ANNIVERSARY OF INC MUSIC; AND COMMEMORATION OF MILESTONE ANNIVERSARIES OF 14 LOCAL CONGREGATIONS

BROTHER EDUARDO V. MANALO, the Executive Minister of the Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ), officiated at the worship service held at the Central Temple in Quezon City, Philippines on November 14, 2020 which was also witnessed by the brethren from different local congregations all over the world through video streaming. Before the study of God’s words, the Executive Minister greeted the Iglesia Ni Cristo Security Department (INCSD) for its 50th anniversary; the Iglesia Ni Cristo (INC) Music Department for its 10th anniversary; and 14 local congregations in the Philippines, 11 in Luzon and three in Mindanao, that also celebrated their milestone anniversaries.


Holding on tightly to hope

By EILEEN APOSTOL

In less than a year, the Covid-19 pandemic has claimed close to two million lives. Not only that, it has also constrained a lot more millions of people to live in isolation, many far away from their loved ones and friends, not to mention losing their jobs or livelihood. Hence, 2020 could be considered by many as a year when the world was gripped with sudden fear and hopelessness.

But for faithful members of the Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ), being servants of God, a truly immovable hope is embedded deep in their hearts even though they experience trials and hardships.

Brother Nolan Zausa, an organist in Templo Central Local Congregation and a volunteer worker in the Iglesia Ni Cristo (INC) Music Department, experienced the challenges of living in lockdown in a rental house, together with his elderly parents and other siblings, due to the pandemic. With the family’s limited resources focused on their basic needs, owning a laptop and having an internet connection at home has become unaffordable and out of their budget. Thus, they were not prepared for the sudden change in the academic set-up. He is taking up Bachelor of Music Major in Choral Conducting at the New Era University.

“I worried about how I would be able to continue my studies, which would be online,” he said. “Not only did I have no internet connection at home, I had no personal computer to use.”

He did not lose hope, unmoved from his devotion to his Church duties. Fortunately, he was provided with what he needed. “God is truly kind. My elder brother, who is in Tarlac, was able to send me a laptop to continue my studies,” he gladly shared. It was a sweet surprise because it was God Whom he approached in earnest prayer, not his brother, but it was his brother, whom has other responsibilities ought to fulfill, whom God used as His instrument.

“Not only that, through my brother’s help, we were able to afford an internet connection at our house,” he added with gleeful gratitude.

More importantly, these unexpected blessings were very much useful as Brother Nolan and his household were able to continue their worship services even in the confines of their home amid the lockdown. They continued to receive God’s teachings through the messages sent by the Church Administration.

“Through the lessons prepared by the Church Administration, we draw strength, inspiration, and faith that no matter how intense the trials of this pandemic may be, our fervor in serving God only increases,” he said.

Apart from the biblical teachings, the hymns during the worship services have also served as Brother Nolan’s inspiration during these times.

“The hymns not only give us inspiration, but they also reflect what we are going through day by day in our journey,” he affirmed.

Brother Nolan’s love for the hymns and hymn-singing explains why he is so intent on continuing his studies despite the pandemic. He said: “I want to be a helper to the Church Administration in relation to the music in the Church.”

Such determination and hopefulness is also upheld by Sister Laiza Tabulao, also a volunteer worker in the INC Music Department from Tagumpay II Local Congregation, Central Ecclesiastical District. In November, she and her family were adversely affected by a strong typhoon that brought flood to their community.

“That night, before the flash flood caused by Typhoon Ulysses came, we could not sleep due to the strong winds blowing outside. Suddenly, the water started rising inside our house and we were advised to leave our home,” she recounted.

Despite the dangers, not once did Sister Laiza feel hopeless. “I was really thankful at that moment because my entire family was safe. We never felt hopeless because through our prayers, we know that God will always save and protect us,” she said.

Her trust in God’s goodness was once again strengthened when, on November 14, 2020, Sister Laiza was greatly blessed to attend the worship service officiated by the Executive Minister, Brother Eduardo V. Manalo, through videoconferencing.

“Two days prior to the sacred occasion, our resident minister offered us to use their laptop to connect to the worship service. But since there was no electricity in the whole municipality, we would not be able to use it,” said Sister Laiza. But she did not lose hope. Tears of joy were shed when things worked to her favor and enabled her to attend the worship service: hours before the start of the worship service, electrical power resumed.

Brother Nolan’s and Sister Laiza’s unhampered hopefulness and even happiness during trying times, reflect the biblical teachings preached by the Executive Minister in the worship service that commemorated, among others, the INC Music Department’s tenth anniversary.

Brother Nolan, who performed in the choir during the sacred gathering, remarked, “It is such a wonderful blessing that I was able to perform and give praise to our Lord God.”

“The lyrics help us to always remember how blessed we are because of our membership,” Sister Laiza concurred. “We love singing these hymns and songs of praise. We become even stronger and more steadfast.”

As the Executive Minister taught, there is no reason for any faithful Church Of Christ member to lose hope no matter how hopeless the world’s situation is because God is always ready to listen to the pleadings of His servants. Taking to heart what she learned from the inspiring lesson, Sister Laiza affirmed, “We should hold on tightly to our hope. Our hope is the promised salvation. Once we pass all these trials, we will become even more worthy in God’s sight. So, we should never lose hope nor let go of our membership.”


Ang pag-asa ng mga
tapat na hinirang

Sinulat ni LORIE JOY DELA CRUZ

Tatlong araw pagkatapos salantain ng Bagyong Ulysses ang Pilipinas, maagang tinungo ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ang Templo Central sa lungsod ng Quezon noong Nobyembre 14, 2020. Ang natatanging okasyon na kanilang dinaluhan ay ang pagsambang pinangasiwaan ng Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo.

Mula sa Biblia, itinuro ng Kapatid na Eduardo Manalo na dapat sundin ang ipinag-uutos ng Panginoong Diyos sa mga tapat Niyang hinirang na panghawakan nilang mahigpit ang pag-asa na taglay nila. Ipinayo niya na kahit ang mundong ito ay punung-puno ng mga kaligaligan dulot ng kasalukuyang pandemya at mga kalamidad, hindi sila dapat pumayag na mabitiwan ang kanilang kahalalan, upang makatiyak ng kaligtasan sa Araw ng Paghuhukom.

Ang pag-asang ito ang taglay ng mga kaanib ng Iglesia Ni Criso, kabilang na ang mga kusang-loob na naglilingkod sa Iglesia Ni Cristo Security Department (INCSD). Kaya, kahit pa mahirap ang sitwasyon ng pamumuhay ay patuloy nilang pinagtatalagahan ang pagsunod sa mga kalooban ng Diyos.

Alang-alang sa pagtupad ng tungkulin, hindi maiiwasan na malayo sa piling ng kaniyang mga mahal sa buhay si Kapatid na Eduardo Tagarino, isang security personnel officer sa Tanggapang Pangkalahatan.

“Simula nang mag-lockdown ay pansamantalang nahiwalay ako sa aking pamilya at bihira lamang makauwi sa aming tahanan. Subalit, hindi ko ito alintana dahil ito ay bahagi ng aking tungkulin,” sabi niya.

Samantala, ang katulad na sitwasyon ay bukas-loob ding tinanggap ni Kapatid na Ruben Macalino, isang unit commander na nakatalaga sa isa sa mga pamayanan ng Iglesia Ni Cristo. “Dumarating,” aniya, “ang pagkakataon na nawawalay ako sa piling ng aking pamilya sa loob ng matagal na panahon subalit lubos kong sinasampalatayanan na ito ay bahagi ng aking tungkulin.”

Malayo man o malapit sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay, nakahanda silang itanggi ang kanilang sarili alang-alang sa pagtupad ng sinumpaang tungkulin. Namamalaging positibo ang kanilang pananaw at disposisyon sa buhay sa kabila ng mga pagsubok sapagkat bilang mga lingkod ng Diyos, mahigpit nilang pinanghahawakan ang pag-asa na hindi Niya sila pababayaan, lalo na’t pinagtatapatan nila ang kanilang pagtupad.

“Kahit malayo sa pamilya ay tinitiyak kong namamalagi silang masiglang tumutupad ng kani-kanilang tungkulin bilang kahayagan na sa Diyos pa rin kami umaasa,” sabi ni Kapatid na Eduardo Tagarino. Sa pagtawag sa kaniyang pamilya, sa pamamagitan ng cellphone, ay patuloy niya silang napaaalalahanan upang matiyak niya na sila’y namamalagi sa pagsunod sa mga kalooban ng Diyos at nagpapasakop sa Pamamahala.

Bilang ama ng sambahayan, tinitiyak din ni Kapatid na Ruben na nasusubaybayan niya ang kalagayan ng kaniyang sambahayan upang kahit malayo ay panatag siya na ang kaniyang pamilya ay hindi bibitiw sa panghahawak sa pag-asa sa Diyos. Pahayag ni Kapatid na Ruben, “Ang aming tungkulin ay isang biyaya at kayamanang kaloob ng Diyos na hindi matutumbasan ng anumang bagay dito sa mundo sapagkat narito ang aming kaligtasan. Kaya, ang pag-asang ito ang matibay na pinanghahawakan ng aking pamilya.”

Napakahalaga na nasusubaybayan ng mga magulang ang kanilang mga anak, lalo na ang ukol sa pagtataguyod ng kanilang banal na kahalalan. Isinaysay ni Kapatid na Eliezer Abella, kasalukuyang nakatalaga sa New Era University Security Unit bilang unit commander, kung paano sila pinalaki ng kanilang mga magulang: “Mula pagkabata ay hinubog na kami ng aming mga magulang sa pagsunod sa mga kalooban ng Diyos at sa panghahawak at pagtitiwala sa magagawa Niya upang gaano man katindi ang hirap at pagsubok na aming maranasan ay hindi kami mabubuwal.”

Kaya, ito rin ang lagi niyang itinuturo sa kaniyang sambahayan: “Laging manalangin sa Diyos. Kahayagan ito ng paglalagak sa Kaniya ng pag-asa upang mamalagi kaming matatag at nakatayong matuwid sa harap ng mga kabagabagan.”

Kahit sa kabila ng pagiging abala sa paglilingkod sa INCSD, hindi pa rin nila napababayaan ang ukol sa pakikipagkaisa sa gawaing pagpapalaganap sapagkat ito ay bahagi rin ng kanilang tungkulin bilang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo. Sa katunayan, noong 2018, nakatanggap ng gawad-pagkilala mula sa Pamamahala si Kapatid na Eliezer at ang kanilang kagawaran dahil sa kanilang pagtulong sa gawaing pagpapalaganap.

“Ito ay bunga ng pagsusumikap ng aming kagawaran, higit sa lahat, ito ay dahil sa tulong at awa ng Panginoong Diyos,” pahayag ni Kapatid na Eliezer. “Ngayon, higit kailanman, kailangan makapagbunga ng marami sapagkat napakalapit na ng Araw ng Paghuhukom.”

Sa patuloy na pagtupad ng kani-kanilang tungkulin, mamamalagi silang nanghahawak sa pag-asang tinamo nila mula sa Panginoong Diyos, naglalagak ng tiwala sa Kaniya sa pamamagitan ng taimtim na pananalangin at pagpapasakop sa Pamamahala anuman ang kanilang masagupa sa buhay na ito.


“Nagsimula kami ng aking asawa sa wala. Sinisikap naming mapagkasya ang maliit kong sahod noon. Pero sa kabila ng mga hirap, hindi kami sumuko. Patuloy kaming nanghawak sa pag-asa dahil ito ang nagbibigay-lakas sa amin. Ang pag-asang ito ang magdadala sa amin sa tamang landas at mailayo kami sa masama. Kailangang ilagak natin ang pag-asa sa Diyos dahil Siya ang pinagmumulan ng lahat. Walang imposible sa Kaniya. Anuman ang ating hilingin na hindi labag sa Kaniyang mga aral ay ipagkakaloob Niya sa tamang panahon. Pagtalagahan ang panalangin upang Kaniyang ipagkaloob sa atin ang mga kahilingan natin. Maging tapat tayo sa paglilingkod sa Diyos at pagtupad sa ating mga banal na tungkulin.”

Dominador Salagan
Pangulong Diakono | Fugu, Cagayan West

“Sa Diyos ako kumukuha ng lakas at Siya ang nagbibigay ng biyaya sa atin, lalo na ng biyayang espirituwal. Naghihirap man ang mundo dahil sa mga nangyayari ngayon, tulad ng pandemya, lalo tayong dapat umasa sa mga biyaya Niya. Lagi tayong manalangin tulad ng laging ipinapaalaala sa atin ng Pamamahala at magsumikap sa paglilingkod sa Diyos upang hindi Niya tayo pabayaan. Kaya, kahit pa gaano kalubha ang maging sitwasyon ng buhay, iba’t ibang kalamidad man ang dumating, at kahit ano pang nakamamatay na sakit ang bumangon, ay mananatili pa rin akong matatag at lubos na mananalig na may Diyos na magliligtas at gagabay sa atin.”

Rubylyn Alejo
Mang-aawit | Usocan, Misamis Occidental

“Ang pag-asang tinamo natin dahil sa pag-anib sa tunay na Iglesia ang magbibigay sa atin ng tatag ng pananampalataya na ating kinakailangan upang mapagtagumpayan ang anumang pagsubok. Dahil din sa pag-asa na ating hawak, makapananatili tayong sumusunod sa mga utos ng Diyos upang huwag maagaw sa atin ang dakilang karapatan at maging ang biyayang inaasahan natin mula sa Kaniya. Sa tuwing naririnig ko ang mga dalisay na aral ng Panginoong Diyos sa panahon ng mga pagsamba, lalong nagtutumibay ang aking pananampalataya sa mga pangako Niya. Lalo ring nagkakaroon ng kabuluhan ang aking mga pang-araw-araw na paggawa sapagkat alam kong may biyayang inilalaan ang Diyos kapag ako ay nakapanatiling matatag na kaanib ng Iglesia Ni Cristo.”

Renz Allen Eata
SCAN | Valenzuela, CAMANAVA

“Lubos naming kinasasabikan ang pagkakataong ito, ang pagsamba bilang paggunita sa aming anibersaryo dahil tinanggap namin ang mga salita ng Diyos na nagsisilbing lakas at ikatitibay ng aming pananampalataya. Tumatak sa aking isipan na huwag mawalan ng pag-asa sapagkat tutulungan tayo ng Panginoong Diyos sa lahat ng pagsubok na maaari nating kaharapin. Bilang isang hinirang ng Diyos, ang Kaniyang mga salita ay nagsisilbing sandata sa pagharap sa bawat suliranin ng buhay. Bilang isang maytungkulin, pangako ko na kahit anuman ang dumating na pagsubok sa buhay, hindi ako mahuhulog sa depresyon at hindi mawawalan ng pag-asa sa magagawa ng Panginoong Diyos. Patuloy akong makikipagkaisa sa lahat ng gawain sa Iglesia. Hindi ko bibitiwan ang tungkuling ipinagkaloob sa akin.”

Maribel Ibana
Pananalapi, Pangulong KADIWA ng lokal | Postor, Laoag City, Ilocos Norte

“Nasadlak man kami noon sa kahirapan at kinutya man kami ng mga tao dahil mas ipinagpapauna namin ang paglilingkod sa Diyos kaysa sa mga bagay dito sa mundo, subalit hindi namin iyon inalintana. Ang tinitingnan namin ay kung paano kami ipinagtanggol at pinagpala ng Panginoong Diyos. Hindi kami sumuko at nawalan ng pag-asa. Sa awa at tulong ng Diyos, ang mga umuusig sa amin sa aming lugar, maging ang aking ama na pangunahing humadlang sa amin, ay ipinahintulot ng Diyos na matawag sa Iglesia. Sa pagsapit ng anibersaryo ng aming lokal, galak na galak ang aming puso sapagkat nagunita kami ng ating Tagapamahalang Pangkalahatan. Narinig namin ang kanila mismong pagbati sa aming lokal na kinikilala naming napakalaking biyaya.”

Rodel Garachico
Pangulong Diakono | Tugdan, Romblon

“Ang mga mabibigat na pangyayari sa mundo tulad ng kalamidad, sakit, at matinding kahirapan, ay alam nating magaganap. Kaya, lalo tayong maging matatag, laging manalangin para malagpasan natin ang lahat ng ito. Lalo tayong manghawak sa ating tungkulin para anuman ang sumapit sa mundong ito ay nakatitiyak tayo sa ating kaligtasan. Ang panghahawak nang mahigpit sa ating pag-asa sa Diyos ang maghahatid sa atin sa kaligtasan. Sa pamamagitan nito, tayo ay lalong tatatag sa ating paglilingkod sa Kaniya anuman ang dumating sa ating buhay. Lagi tayong mananalangin at magpapanata sa Kaniya. Ilagak natin ang pagtitiwala sa ating Diyos at makita sa atin ang ganap na pagbabagong buhay.”

Alona San Diego
Diakonesa | Anyatam, Bulacan

Share on facebook
Share on email
Share on twitter
Share on pinterest
Share on linkedin
Share on telegram

The official website of Pasugo: God’s Message magazine of the Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ), contains religious articles, Church news, and photos