Everlasting, Koronadal City, South Cotabato

Share on facebook
Share on email
Share on twitter
Share on pinterest
Share on linkedin
Share on telegram

Determinadong nanghahawak sa dakilang kahalalan

COMMEMORATION OF MILESTONE ANNIVERSARIES
OF LOCAL CONGREGATIONS AND ECCLESIASTICAL DISTRICTS
TEMPLO CENTRAL, QUEZON CITY, PHILIPPINES
MARCH 13, 2021

COMMEMORATION OF MILESTONE ANNIVERSARIES OF LOCAL CONGREGATIONS AND ECCLESIASTICAL DISTRICTS
TEMPLO CENTRAL, QUEZON CITY, PHILIPPINES
MARCH 13, 2021

HINDI MAN MAKAIIWAS ang mga tunay na kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa mga pagsubok sa buhay, makaaasa naman sila sa pagtulong ng Diyos. Ito’y sapagkat sumasampalataya silang lubos na Siya Mismo ang nangako nito sa kanila na Kaniyang bayan sa mga huling araw na ito. Kaya, sa kabila ng mga ligalig, tulad ng kasalukuyang pandemya, namamalagi silang determinadong nanghahawak sa dakilang kahalalang tinanggap nila sa Diyos—ang kanilang pagka-Iglesia Ni Cristo.

Upang patatagin ang determinasyon at pananampalataya ng mga kaanib ng Iglesia, patuloy na nagtuturo ng mga salita ng Diyos ang Pamamahala lalo na sa mga pagsamba. Noong Marso 13, 2021, pinangunahan ng Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, sa pamamagitan ng livestreaming ang pagsamba na dinaluhan ng mga kapatid mula sa mga lokal at distrito na gumunita ng anibersaryo ng kanilang pagkakatatag.


Pasig City, Metro Manila
Sinulat ni Kathleen Marie Salazar

“Nasa larangan kami ng interior design trading business at disinfection and cleaning services,” pahayag ni Kapatid na Francis Ernaciona tungkol sa sariling negosyo.

“Bago ang pandemya, may mga pumapasok na proyekto ngunit hindi stable ang aming kinikita. At simula Abril hanggang Hunyo ng 2020 ay natigil ang lahat ng transaksiyon sa aming negosyo dahil sa ipinatupad na lockdown. Bumagsak ang aming negosyo. Nawalan kami ng pinagkukunan para sa aming pang-araw-araw na pangangailangan bukod sa aming kaunting naipon bago ang pandemya. Noong Oktubre 2020 naman ay dinapuan ng Covid-19 ang aking mag-ina,” ani Kapatid na Francis. Iniisip din niya noon kung paano masusuportahan ang kanilang mga empleyado.

Ang magagawa ng Panginoong Diyos para sa kanila ang siyang pinanghawakan ng pamilya ni Kapatid na Francis upang malampasan nila ang pinagdaraanang pagsubok. Nagpatuloy sila sa kanilang mga pananalangin, pagsamba, at pagtupad ng tungkulin sa Diyos sa gitna man ng pandemya.

“Dumarating sa pagkakataon na kailangang mamili sa pagitan ng hanapbuhay at pagtupad. Dito ay talagang sinusubok ng Ama kung ano ang higit na mahalaga sa akin, at iyon ay ang pagtupad ng aking tungkulin,” pahayag ni Kapatid na Francis, na katiwala sa Ilaw ng Kaligtasan at diakono sa Lokal ng Pasig, Distrito Eklesiastiko ng Metro Manila East.

Hindi rin tumigil sa pagtulong sa mga gawain sa Iglesia ang kaniyang pamilya. Determinado silang nakikipagkaisa sa mga gawain sa Iglesia sa kabila man ng pandemya.

Hindi nabigo sa kaniyang pag-asa si Kapatid na Francis. Nakabangon ang kanilang negosyo. Ang sabi niya, “Ramdam namin ang tulong ng Ama na talagang kapag Siya ang inuna natin at tinupad natin ang Kaniyang kalooban ay papagtatagumpayin Niya tayo sa lahat ng ating ginagawa.”

Bilang kaanib ng Iglesia Ni Cristo, nananalig si Kapatid na Francis na ang Panginoong Diyos ang nagbibigay ng lahat ng pangangailangan at ng lunas sa mga suliranin ng Kaniyang mga lingkod. Sa awa ng Diyos ay gumaling ang kaniyang mag-ina. Pahayag niya, “Tunay na nadarama namin ang pagmamahal ng Diyos sa aming pamilya. Lahat ng pangyayari sa ating buhay ay nakikita Niya. Alam Niya kung ano ang ating mga nasasagupa. Dapat lang na manalig tayo sa Kaniyang dakilang magagawa at tuparin ang mga pananagutan natin sa Kaniya.”


Pasay City, Metro Manila
Sinulat ni Eryka Rose Raton

“Kung ipinagpapauna at buong puso nating tinutupad ang ating tungkulin sa kabila ng hadlang at pagsubok, hindi tayo masasadlak sa kasawian.” Ito ang pananalig ni Kapatid na Trisha Marasigan, kalihim ng kapisanang KADIWA, maytungkulin sa Pagsamba ng Kabataan (PNK), at kalihim sa Lokal ng Pasay, Distrito Eklesiastiko ng Metro Manila South.

“Dalawang taon na ang nakalilipas magmula nang papagpahingahin ng Diyos ang aking ina bunga ng pagkakasakit ng stage 4 liver cancer,” pag-aalaala ni Kapatid na Trisha. “Iyon ang nagdulot ng tila pagkawasak ng aking damdamin, dahil sa maagang gulang ay namayapa na siya. Ni hindi man lang niya naabutan ang pagtatapos namin ng aking kapatid sa pag-aaral, subalit maluwag sa loob pa rin namin itong tinanggap.”

Pagpapatuloy niya: “Wala pang isang taon nang papagpahingahin ang aking ina ay siya namang biglaang pagkakasakit ng aking ama ng Guillain-Barre Syndrome, isang rare disease na naging dahilan ng biglaang pagkasira ng kaniyang nervous system. Halos anim na buwan siyang nasa pagamutan.” Idinulog niya ito nang taimtim sa Panginoong Diyos. “Sa awa’t tulong ng Diyos, ngayon ay nakalabas na siya sa pagamutan at unti-unting nagpapagaling,” sabi ni Kapatid na Trisha.

Nawalan din ng hanapbuhay ang kaniyang ama kaya kinailangan ding magtrabaho ni Kapatid na Trisha para may pangmatrikula siya at makatulong ding matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Subalit sa kabila ng kaniyang pagiging abala, aniya, “Sa lahat ng pagkakataon ay sinisikap ko na tumupad ng aking mga tungkulin.”

Ganito ang paninindigan ni Kapatid na Trisha at maging ng maraming kaanib ng Iglesia, na anuman ang maging sitwasyon nila sa buhay ay determinado sila sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin. Pahayag niya, “Dapat tayong magpatuloy at huwag magsawa sa pagpapanata at pananalangin, tumupad ng tungkulin, at maging matatag sa pagdadala natin ng karapatan, anuman ang sapitin natin sa buhay na ito.”


Everlasting, Koronadal City, South Cotabato
Sinulat ni Gyrsyl Jaisa Guerrero

Noong Disyembre 2020, isang mabigat na yugto sa buhay ni Kapatid Anacita Taño at ng kaniyang sambahayan ang kanilang naranasan. “Masakit pa rin, bagaman tanggap ko nang wala na sila. Ganoon pa rin ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing sumasagi sa aking isipan na wala na sila,” pahayag niya.

Sariwa pa sa alaala ni Kapatid na Anacita ang pagpanaw ng kaniyang asawa noong ika-20 ng Disyembre, taong 2020. Mahigit limang taon ding nagkasakit ang kaniyang asawa bago tuluyang namayapa. Pinagsikapan nilang matustusan ang gastos sa mga checkup at gamot para sa iba’t ibang sakit na naramdaman ng kaniyang asawa, habang itinataguyod ang kanilang pang-araw-araw na buhay.

Ngunit pagkatapos ng 11 araw mula nang namayapa ang kaniyang asawa, ang kaniyang anak naman ay pumanaw rin. “Dumoble ang sakit na aking naramdaman. May mga pagkakataong halos hindi ko malaman ang aking gagawin dulot ng kalungkutan at pighating aking naramdaman,” pagsasalaysay ni Kapatid na Anacita. Gayunman, hindi siya tumigil sa pagtupad ng tungkulin bilang diakonesa sa Lokal ng Everlasting, Distrito Eklesiastiko ng Koronadal City, South Cotabato.

Namamalaging nakapanghahawak siya sa kahalalan bilang Iglesia Ni Cristo dahil sa mga aral ng Diyos na itinuturo ng Pamamahala. Ang patuloy na pagdalaw at pagpapayo sa kaniya ng mga ministro at manggagawa ay nakapagpapalakas ng kaniyang loob. Pahayag niya, “Lubos ang aking pagpapasalamat sa Diyos sapagkat sa mga pagkakataong aking tinatanggap ang Kaniyang mga pagpapayo at katotohanan ay aking kinikilalang kahayagan iyon na hindi Niya ako pinababayaan. Sa lahat ng pagkakataon, lalo na sa tuwing ako’y nalulungkot at nag-iisa, lagi kong inaalaala ang Kaniyang mga aral. Ito’y aking iingatan at panghahawakan anuman ang pagsubok na dumating sa aking buhay.”

Pangako ni Kapatid na Anacita, “Makaramdam man ng sakit, hindi man maging madali ang pamumuhay, ay hindi ako uurong. Nananalig ako sa pangako ng Diyos na muli kaming magkikita-kita ng aking asawa at anak sa Bayang Banal.”


Lacaron, Sibalom, Antique
Sinulat ni Cheyserr-Mae-Libb Alabata

“Awang-awa ako sa anak ko noon. Kung maaari lang, ako na lang sana ang magkasakit.” Ito ang namutawi sa labi ni Kapatid na Lucia Millondaga nang mabatid ang karamdaman ng anak.

Taong 2011 ay talagang sinubok ang katatagan ni Kapatid na Lucia. Nakita niyang naninilaw ang mga mata at ang buong katawan ng kaniyang anak. Nakaramdam din ito ng pananakit ng buong katawan. “Hepatitis B,” ang sabi ng doktor, at ito raw ay malala na. Nanlumo siya pagkarinig niya na ang kaniyang anak na bagong kasal pa lang ay may malubhang karamdaman. “Sa tono ng pananalita ng doktor ay tila wala nang pag-asang gumaling ang anak ko,” pahayag ni Kapatid na Lucia.

Subalit, nagpakatatag sila. Hindi sila tumigil sa pananalangin. “Itiniwala namin sa Panginoong Diyos ang kalagayan ko,” pahayag ng kaniyang anak. Sa kabila ng kalagayan ng kaniyang anak, ay hindi nahadlangan si Kapatid na Lucia na tumupad bilang mang-aawit sa Lokal ng Lacaron, Distrito Eklesiastiko ng Antique.

Noong 2012, sa awa at tulong ng Diyos ay gumaling ang kaniyang anak. Si Kapatid na Lucia at ang kaniyang pamilya ay lubos na nanalig sa Diyos at hindi nabigo sa pagharap sa mga pagsubok na kanilang nasagupa. “Lubos ang aking pananampalataya na tama ang pinaggugugulan ko ng aking buhay. Mananatili ako sa aking kasiglahan sa mga paglilingkod sa Diyos habang naghihintay sa pangako Niyang kaligtasan,” buong pananalig na pahayag ni Kapatid na Lucia.


Cabarroguis, Quirino
Sinulat ni Jayson Morales

Para sa mga hinirang ng Diyos ay hindi isang bagong bagay ang makaranas ng pagsubok. Gaya ni Kapatid na Feliciano Carillo, 71 taong gulang, subok na ng mga kaanib ng Iglesia ang pagtulong ng Diyos sa tapat Niyang mga lingkod sa pagharap nila sa mabibigat na sitwasyon sa buhay.

Labing-isang taon na ang nakaraan, napag-alamang si Kapatid na Feliciano ay may sakit sa atay. Dahil malala na ito ay halos ayaw na siyang tanggapin sa mga pagamutan. Ayon sa kaniya, “Sinabihan na ako ng doktor na isang linggo na lamang akong mabubuhay.”

Bagaman nagulat, hindi siya nanumbat o nalumbay. Sa halip, ang nasa isip niya noon ay ang araw ng pagpapasalamat ng Iglesia sa Panginoong Diyos, na malapit nang sumapit. Nasa bingit man ng kamatayan ay pagpapasalamat at paglilingkod pa rin sa Diyos ang ipinagpauna ni Kapatid na Feliciano. Nagpatuloy siya sa pagtupad ng kaniyang sinumpaang tungkulin at hindi nanghinawa sa pananalangin sa Diyos.

 “Sa awa ng Diyos, unti-unting bumalik ang lakas ko,” pahayag niya. “Ngayon ay mahigit sa 11 taon na ang idinugtong Niya sa aking buhay.”

Si Kapatid na Feliciano, sa kasalukuyan, ay patuloy na nakatutupad ng kaniyang tungkulin bilang isang pangulong diakono sa Lokal ng Cabarroguis, Distrito Eklesiastiko ng Quirino. Sa kabila ng kaniyang katandaan ay nananatili siyang masiglang nakikipagkaisa sa mga aktibidad na inilulunsad ng Pamamahala.

Pahayag pa niya: “Wala na akong mahahanap pang kayamanang higit sa aking pagka-Iglesia Ni Cristo. Hindi na baleng mababa ang antas ng pamumuhay sa paningin ng sanlibutan, ang mahalaga sa akin ay mamalagi sa Iglesia, sapagkat sumasampalataya ako na ako’y magiging mapalad sa pagbabalik ng Panginoong Jesus.”


Mangagoy, Bislig City, Surigao del Sur
Sinulat ni Jhoana Venice Santiana

“Hindi naging madali para sa akin ang taong 2020. Bago pa ang pandemya, unang buwan pa lang ng taon, namatayan na ako ng asawa. Naulila niya kami ng tatlo naming mga anak at naiwan akong mag-isa na magtaguyod ng negosyong itinayo namin ng aking asawa,” pahayag ni Kapatid na Roselyn Intig. Dagdag pa niya, “Makalipas ang dalawang buwan, dumating ang Covid-19. Tunay na naging mahirap ang pagdadala ng buhay. Kabilang sa naapektuhan ang tinsmith shop namin na siyang pangunahing pinagkukunan namin ng pangangailangan.”

Hindi madali ang maging ama’t ina sa tatlong anak na nawalan pa ng pagkakakitaan sa buhay. Ngunit ang mga pagsubok na ito ay hindi nakahadlang kay Kapatid na Roselyn. Patuloy niyang pinangunahan ang kaniyang mga anak sa masiglang paglilingkod sa Diyos.

Ngunit muling sinubok ang kaniyang katatagan. “Eksaktong isang taon pagkatapos mamatay ang aking asawa, pumanaw naman ang aking pangalawang anak. Napakasakit sa magulang na ihatid ang kaniyang anak sa libingan.”

Bagaman dumanas ng kapighatian, hindi kumupas ang kasiglahan ni Kapatid na Roselyn sa pagtupad ng kaniyang mga tungkulin. Siya ay isang diakonesa at maytungkulin sa pananalapi sa Lokal ng Mangagoy, Distrito Eklesiastiko ng Bislig City, Surigao del Sur. Hindi na bagong bagay para sa kaniya ang sunud-sunod na mga pagsubok sa buhay sapagkat, aniya, “Bago pa lamang ako pumasok sa Iglesia ay pinatatag na ng Ama ang pananampalataya ko sa Kaniya sa iba’t ibang uri ng mga pag-uusig na naranasan ko noon.”

Dagdag pa niya, “Nagpatuloy ako sa masiglang pagtupad ng aking mga gampanin bilang maytungkulin sa Iglesia habang isinasagawa ang araw-araw na pagpapanata, sapagkat doon ako kumukuha ng lakas upang maitaguyod ang aming araw-araw na pamumuhay. Sumasampalataya ako na hindi ako pababayaan ng Panginoong Diyos at inilalagak ko ang aking pag-asa sa mga biyayang darating.”

Gaano man kabigat ang pagsubok na kailangan pang maranasan, hindi tumitigil sa pagsunod sa Kaniyang mga kalooban ang tunay na mga lingkod ng Diyos. Kanilang pinagtatalagahan at iniingatan ang mga natatanging kaloob na mula sa Kaniya upang makamit ang pangakong buhay na walang hanggan doon sa Bayang Banal.


Resolute and steadfast
in serving God

Experiencing life’s difficulties is certainly not foreign to Church Of Christ members. In such a situation, however, they do not allow themselves to lose heart and their zeal in serving God to wane. They draw strength and inspiration from God’s words taught by the Church Administration for them to remain firm in their hope of receiving the reward of salvation.

On March 13, 2021, the Executive Minister, Brother Eduardo V. Manalo, officiated at a worship service to once again remind the Church members, through the words of God written in the Bible, that being resolute and steady in serving God is vital in attaining His promises. The sacred occasion was witnessed via livestreaming by Church members from local congregations and ecclesiastical districts that commemorated their respective milestone anniversaries.

The following are experiences of some Church members whose faith was tested because of the pandemic yet did not falter in their trust in God and in upholding their Church membership.


Micronesia
By Rozelle Ann Loyola

Sister Claudia Acfalle, the Light of Salvation committee chair in the Local Congregation of Apra Heights, Ecclesiastical District of Micronesia, reflects on the struggles she faced due to the pandemic. She said, “An unforgettable experience in my life was when I lost my husband to Covid-19. That was a very challenging moment for me because I could not be there for him even if I wanted to.”

Despite his loss, she looks forward to the future with confidence. She said, “It has taken a toll, but I always think positive, just entrusting everything to God’s power and guidance. So I continue enduring, until today, and remain focused that one day, we will meet again.”

During those troubling times, she did not waver in calling on the Almighty God for help and guidance. “I fully believe in the power of prayer, especially because I am in the true Church. God reveals His mercy every day, and every moment of my life. Through hardships, or sorrows, even in sickness, we put our hope and trust in God that He will answer our prayers,” she added.

Every day, she makes sure to fulfill her sacred duties as a member of the Church Of Christ. Amid trials and her hectic schedule, she never hesitates to support the works of propagation. “I put the teachings I receive into practice: to endure and continue sharing my faith. I devote time and effort to the Church’s activities, no matter how busy I am. The most important thing in my life is serving God and fulfilling my duties before Him,” she further explained.

Members of the Church Of Christ, like Sister Claudia, feel very fortunate to receive the guidance of the Almighty God through the admonitions from the Executive Minister, Brother Eduardo Manalo. Whatever situation may arise in their life, they resolve to endure and remain steadfast in the faith because the Almighty God Himself upholds them.


Bronx, New York
By Ari Clemente

Medical frontliners are always in danger of contracting the deadly coronavirus that has already claimed the lives of so many people. Brother Artemio Mallare Jr., fondly called Ka Art, caught the coronavirus disease at the hospital where he worked as a nurse when New York City was the epicenter of the virus’ rage. According to him, “At that point, the medical community was still clueless on how to treat the virus and people died left and right.”

Prayers and God’s mercy got Brother Art through when he experienced shortness of breath and when the body aches were too much to bear. Even when his symptoms worsened, he did not lose his trust in God. He said, “What really helped me was my devotional prayer to God whenever I felt I could not breathe any longer or when my fever spiked. The only thing I could really do was to pray to our Almighty God.”

By God’s mercy, Brother Art overcame his ordeal, regained his strength, and eventually got back to actively performing his duties.  Of this life-threatening experience, he said, “This made my faith stronger, seeking God first when we are in deep trouble or severe hardship. The first thing we should do is to pray because through this, we will receive the strength and comfort that we need and the solution to our problems. Experiencing God’s grace made me love my duty and my membership in the Church more.”

Brother Art is currently a head deacon in the Local Congregation of Bronx, Ecclesiastical District of New York.

Indeed, members of the Church Of Christ also encounter different kinds of problems but God’s love is continuously manifested to His Church. The Executive Minister, Brother Eduardo Manalo, tirelessly leads the entire Church to all the more be resolute in serving God now that the end is very near. “The Church Administration strengthens us, even in this time of pandemic. We should follow and be united with them, so that our Almighty God will all the more help us,” Brother Art said.

Although the condition of this world continues to worsen, true and faithful Church members will never lose their trust in God, for He promised to always be there even when life is difficult to bear. As Brother Art said, “We should not take away our trust in our Almighty God and always rely on His promises. We should fulfill our duties to Him at all times with all our might, so that we may glorify our Almighty God and receive His promised help.”

Share on facebook
Share on email
Share on twitter
Share on pinterest
Share on linkedin
Share on telegram

The official website of Pasugo: God’s Message magazine of the Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ), contains religious articles, Church news, and photos