Sto. Cristo, Quezon, Philippines

Share on facebook
Share on email
Share on twitter
Share on pinterest
Share on linkedin
Share on telegram

Faithfully and diligently
serving the Lord

Faithfully and diligently serving the Lord

ORDINATION OF NEW MINISTERS
COMMEMORATION OF MILESTONE ANNIVERSARIES
TEMPLO CENTRAL, QUEZON CITY, PHILIPPINES
JULY 10, 2021

AMID THE TROUBLES brought about by calamities, the pandemic, armed conflicts, and other unfavorable situations, Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ) members are expected by the Lord God to serve Him devotedly in accordance with His laws and commands. This is the constant reminder they receive from the Church Administration, through the leadership of the Executive Minister who untiringly teaches them God’s words they ought to obey.

One such occasion was the worship service at which Brother Eduardo V. Manalo officiated at the Central Temple in Quezon City, Philippines on July 10, 2021. The worship service was streamed live to local congregations that celebrated their milestone anniversaries.

In his homily, the Executive Minister emphasized the value of being faithful and diligent in serving God at all times as taught in the Bible. By having such qualities, Church Of Christ members are able to safeguard their hope of receiving the promised salvation come the Day of Judgment, Brother Eduardo Manalo explained.

The following are insights from the life experiences of some of the brethren who, with the help of God Himself, strive to serve Him faithfully and diligently no matter what.


Kanie, Japan
By Justine Millado

“When we were still registered in the Local Congregation of Nagoya, one challenge we encountered was when our family needed to travel for more than an hour to attend the worship service. Even after the worship service, my children would patiently wait until I finished my duties as a deaconess,” Sister Lorena Sekiyama recalled.

As a Church officer who helps the Church Administration in taking care of the members’ spiritual welfare, Sister Lorena was deeply concerned about helping the brethren under her care to diligently attend the worship services. She shared,  “Some brethren under my care used to spend more than two hours via train to reach the place of worship.”

Sister Lorena and her husband, Brother Shinto, thought of ways to help the brethren living near their area. “We considered that if we can provide a place where the worship service could be held, the brethren in our area need not to travel so far. That is why we offered my parents’ old house to be used as a place of worship,” shared Brother Shinto.

Kanie, Japan

With God’s grace, in 2014, the Church Administration approved that it be used as a place of worship. That also marked the beginning of the Kanie Extension. And on July 4, 2016, the Local Congregation of Kanie was established. The Sekiyama family expressed how they felt: “Our family feels immense happiness, for the Lord God allowed us to be instruments in taking care of His flock.”

Brother Shinto also expressed his invitation to his fellow Japanese to examine the teachings in the Church Of Christ. He said, “They should not be hindered from seeking the truth that is in the Church Of Christ, for this is where salvation is.”

As the Church members in the Kanie Congregation celebrate their local congregation’s fifth anniversary of establishment, they will always be faithful and diligent in their services to God. Sister Lorena vowed to always be steadfast in her faith and carry on with the duty she was entrusted with wherever life brings her. She promised, “The lesson I always take by heart since I was a child is that the only way to be saved is through the Church. That is why my family and I pledge that we will never forsake our divine election.”


San Sebastian, Pampanga
Sinulat ni Jhazriel Errine Dela Peña

Sa isang punto ng buhay ni Kapatid na Ernie Dela Peña Sr., nakilala niya ang Iglesia Ni Cristo. “High school ako noon at nagkaroon kami ng proyekto tungkol sa iba’t ibang relihiyon. Ang napili ng aming grupo ay ang Iglesia Ni Cristo. Nagkaroon kami ng pagkakataon na makapagtanong sa ministro. Lahat ng aming tanong ay nasagot gamit ang Biblia. Ang isa sa aking itinanong ay, ‘Kanino ba talaga dapat manalangin para matanggap ang mga kahilingan?’ Nalaman ko na sa tunay na Diyos tayo dapat na lumapit at sa Panginoong Jesucristo upang ipamagitan tayo. Iyon ang pumukaw sa aking atensiyon,” pag-alaala ni Kapatid na Ernie. Dahil dito ay nagpasiya siyang patuloy na magsuri sa mga aral at utos ng Diyos na sinasampalatayanan ng Iglesia Ni Cristo.

“Naalala ko pa noong hindi pa ako kaanib ng Iglesia Ni Cristo, napakabigat ng buhay namin. Naranasan ko pang mamalimos dahil sa kahirapan at wala kaming makain,” pahayag pa ni Kapatid na Ernie. Dahil sa hirap ng buhay nila, nagpasiya ang kaniyang ama na maghanapbuhay sa ibang bansa. Inilarawan naman niya kung ano ang naranasan niya nang makilala ang Iglesia: “Sa panahon ng aking pagdalo sa mga pagsamba, kahit mabigat ang buhay, ay gumagaan ang aking pakiramdam. Kapag nananalangin sa panahon ng pagsamba ay nararamdaman ko ang pakikisama ng Diyos.”

Sa pagpapatuloy niya sa pag-anib sa Iglesia ay nasubok ang kaniyang paninindigan. May pagkakataong umuwi sa Pilipinas ang kaniyang ama. Sabi ni Kapatid na Ernie, “Nalaman niyang ako’y aanib na sa Iglesia. Tumutol siya at itinakuwil ako.” Bagaman mahal niya ang kaniyang ama, higit ang pag-ibig niya sa Panginoong Diyos na tumawag sa kaniya. “Nanindigan ako at nagpatuloy [sa pag-anib sa Iglesia Ni Cristo].” Niloob ng Diyos na siya ay mabautismuhan sa Iglesia at di naglaon ay biniyayaan din siya ng tungkulin. Siya ngayon ay isang diakono sa Lokal ng San Sebastian, Distrito Eklesiastiko ng Pampanga East.

Laging laman ng panalangin ni Kapatid na Ernie na ang kaniyang ama ay tawagin din ng Diyos sa Iglesia. Hindi naman siya nabigo sa kaniyang panalangin. “Nagpasiyang magsuri ang aking tatay, at nito lamang Hunyo ay nabautismuhan na siya. Walang mapagsidlan ang kasiyahan sa aking puso at lubos ang pasasalamat ko sa Diyos.”

Tunay na hindi binibigo ng Diyos ang pagtawag sa Kaniya ng Kaniyang mga tunay na hinirang. Ang kinakailangan ay patuloy na magtiwala sa Kaniya at tuparin ang Kaniyang mga kalooban. Sa gayon ay makaaasa sila sa pagtugon ng Diyos sa kanilang mga pagtawag.


Ha Fochane, Maseru, Lesotho
By Vilma Arenas 

It was in 2016 when the propagation work of the Church Of Christ reached the village of Ha Fochane in Semongkong, Maseru, Lesotho. Sister Mabolantina Makatse, the village chief, reminisced the time when she and her fellow villagers first listened to the words of God taught in the Church Of Christ. She shared, “We firmly believe that what we were taught is the truth that will lead us to the promised salvation.”

Eventually, many other villagers of Ha Fochane were baptized and became members of the Church. Now that they belong to the true Church, have the right to worship the true God, and have the firm hope of receiving His promises, Sister Mabolantina said, “Our lives and our way of living changed when we became members of the Church. It is a great blessing indeed to be counted among those whom God considers as His people.”

Ha Fochane, Maseru, Lesotho

Having understood the importance of the worship service, Sister Mabolantina decided to donate a piece of land where a house of worship could be built. The Church Administration then approved both the donation and the construction. Sister Mabolantina and her fellow villagers took part in building the house of worship. They continue to assist in maintaining its orderliness and cleanliness.

“The house of worship is very important. Anytime we can go inside the chapel to pray and express to God what is in our hearts. It is where we solemnly plead with Him, having firm faith and trust in what He can do in our lives. In the worship services, we feel comfort, love, and care from Him. He is our refuge amid all the hardships and troubles we encounter in this life.” Sister Mabolantina said. “We promise to love, take care, and safeguard the house of worship. We will always make sure that everything inside and out is in order and is clean, especially during the worship services.”

Members of the Church Of Christ in the Local Congregation of Ha Fochane, Ecclesiastical District of Southern Africa, will always treasure their divine election the most, no matter how difficult life is. Sister Mabolantina, now a deaconess, vowed, “We will continue upholding our duties and obligations to the Almighty God. We may not be rich in material things, but we are truly blessed, for we have the true faith. We will remain firm, strong, and steadfast in our services, and our faith will never be moved.”


Sto. Cristo at Dolores, Quezon
Sinulat nina Mary Jane De Joya at Marilou Atienza

May pangako ang Diyos sa mga lingkod Niyang lumalakad nang may integridad. Diringgin Niya ang kanilang panalangin kung sila’y mamamalagi sa katapatan ng pagsunod anuman ang kanilang masagupa. Karanasan na ito sa buhay ng maraming kaanib ng Iglesia Ni Cristo, tulad ni Kapatid na Marilou Mendoza. “Ang isa sa mahihirap na pagsubok na aming naranasan ay nang magkasakit ng pneumonia ang aking asawa. Halos hindi siya makakain, sumasakit ang kaniyang dibdib, at nahihirapan siyang huminga hanggang sa namayat siya. Hindi na niya kinayang maghanapbuhay,” paglalarawan ni Kapatid na Marilou.

Sa panahong iyon ay maliliit pa ang kanilang mga anak. Ayon kay Kapatid na Marilou, “Napakahirap ng aming kalagayan, kinakapos kami sa pangangailangan sa araw-araw.” Dumaan man sa matinding pagsubok, hindi nanghina ang pananampalataya at pananalig ng kanilang sambahayan sa magagawa ng Diyos. “Hindi kami tumigil sa pagpapanata gabi-gabi. Nagpapapahid ng langis ang aking asawa bago kami pumunta sa doktor sapagkat kami ay sumasampalataya na ang Diyos ang Siyang magpapagaling sa karamdaman ng aking asawa.”

Nahirapan man, ngunit hindi nawala ang kasiglahan nilang mag-asawa sa paglilingkod sa Diyos. Pahayag ni Kapatid na Marilou, “Kahit may karamdaman ang aking asawa, hindi siya tumigil sa pagsamba. Hindi rin ako lumiban sa pagtupad sa panahon ng pagsamba.” Si Kapatid na Marilou ay organista sa Lokal ng Dolores, Distrito Eklesiastiko ng Quezon sa loob ng 34 na taon na ngayon. Ayon sa kaniya, “Dama namin ang paglingap ng Diyos sa aming sambahayan. Hindi Niya kami pinabayaan. Nakatatawid kami sa araw-araw sa kabila ng aming mga nasagupa. Pinagaling din Niya sa karamdaman ang aking asawa.” 

Tunay na hindi pinababayaan ng Diyos ang mga tapat sa Kaniya. Kaya, ang kahalagahan ng pagtupad sa pananagutan sa Diyos ang ipinaunawa nilang mag-asawa sa kanilang mga anak. Pahayag ni Kapatid na Marilou, “Ang aking asawa ay niloob ng Diyos na maging isang pangulong diakono at ako ay patuloy na tumutupad bilang organista. Ang aming mga anak naman ay masisigla ring mga maytungkulin sa lokal.”

Ito rin ang ipinaunawa nina Kapatid na Roger Gonzales at ng kaniyang asawa na si Kapatid na Myra sa kanilang mga anak. Si Kapatid na Roger ay isang diakono at pangalawang katiwala ng purok sa Lokal ng Sto. Cristo, Distrito Eklesiastiko ng Quezon. Si Kapatid na Myra naman ay isang mang-aawit at maytungkulin sa pananalapi. Ang kanilang dalawang anak na lalake ay nagpasiyang lumusong sa banal na ministerio. “Isang napakalaking biyaya para sa aming mag-asawa ang pagpasok sa banal na ministerio ng aming dalawang anak,” pahayag ni Kapatid na Roger.

Ang nasaksihang ordenasyon ay lalong nagbigay ng inspirasyon sa kanilang mag-asawa sa pagsuporta sa kanilang mga anak na lumusong sa ministerio. Ayon kay Kapatid na Roger, “Ikinagagalak naming mag-asawa ang makasaksi ng ordenasyon ng mga manggagawa upang maging ganap na ministro. Sa ganito ay naaalaala namin ang aming mga anak at nawa ay dumating din ang panahon na sila ay maging ganap na ministro sa Iglesia.”

Malayo man sa piling nilang mag-asawa ang kanilang mga anak, panatag sila sapagkat kinikilala nilang inihandog na nila sa Diyos ang mga anak nila at sila ay nasa pagkalinga ng Pamamahala. Pahayag ni Kapatid na Roger, “Saan man sila idestino, maging malayo man sila sa aming piling ay panatag kami. Sinasampalatayanan naming yayamang ang Diyos ang tumawag sa kanila sa ministerio ay Siya rin ang mag-iingat sa kanila.”


Paypay, Daanbantayan, Cebu
Sinulat ni Jane Moraca

Natatandaan pa ni Kapatid na Sofia Mondejar ang pinagdaanan ng kaniyang pamilya isang buwan matapos na isilang ang kaniyang bunsong anak. “Naaalaala ko noong halos kasisilang ko pa lang sa aming ikalimang anak ay dumaan kami sa matinding pagsubok. Silang lima ay sabay-sabay na nilagnat.” Nais man niyang ipatingin sa manggagamot ang mga anak, subalit “wala kaming sapat na salapi nang mga panahong iyon,” saad ni Kapatid na Sofia, na kilala rin sa kaniyang palayaw na “Soping.” 

Nalaman ng kaniyang ama na nagkasakit ang mga bata. Ang kaniyang ama ay hindi kaanib ng Iglesia at, ayon kay Kapatid na Soping, inupatan pa sila at inusig ng kaniyang ama. Subalit, hindi pinanghinaan ng pananalig sa Diyos ang kaniyang pamilya. “Nanindigan kami na gawin ang kalooban ng Diyos,” wika niya.

Paypay, Daanbantayan, Cebu

Pinanghawakan nila ang mga salita ng Diyos na itinuro ng Pamamahala. “Ang aming ginawa ay pinapahiran namin sila ng langis at nanalangin kami. Sa Diyos namin itiniwala ang kalagayan ng aming mga anak,” pahayag ni Kapatid na Soping.

Tunay na hindi binibigo ng Diyos ang pagtawag ng mga hinirang Niyang naninindigan sa pagsunod. “Pinagaling ng Diyos ang aming mga anak. Nang dumalaw muli ang aking ama ay laking gulat niya nang salubungin siya ng aking mga anak. At mula noon din ay hindi na niya kami inupatan sa aming pananampalataya.”

Ang laging itinuturo ni Kapatid na Soping at ng kaniyang asawa sa kanilang mga anak ay ang pagtitiwala sa magagawa ng Diyos at ang paninindigan sa pagsunod sa Kaniyang mga kalooban. Naunawaan din ng kaniyang mga anak ang kahalagahan ng tungkulin, kaya silang lahat ay mga maytungkulin sa Iglesia. “Ang lagi kong ipinapayo sa kanila ay magtumibay sila sa pananampalataya at maging mapanalanginin sapagkat nakahanda ang Diyos na laging samahan ang mga lingkod Niya.” Si Kapatid na Soping ay diakonesa sa Lokal ng Paypay, Distrito Eklesiastiko ng Bogo City, Cebu. Ang kaniya namang asawa ay isang pangulong diakono hanggang sa kaniyang pagpanaw.

Bagaman si Kapatid na Soping ay 82 taong gulang na ngayon, namamalagi pa rin ang kaniyang kasiglahan sa pagtupad ng tungkulin. “Aking ipinapangako sa Panginoon na magpapatuloy ako anuman ang mangyari hanggang sa makatapos ako ng aking takbuhin,” paninindigan niya.


Solsona, Laoag City, Ilocos Norte
Sinulat ni Jessa Mae Hilario

“Mahirap lamang kami, ngunit napakabuti ng Panginoon sapagkat ramdam ko ang tulong at awa Niya sa amin,” pahayag ni Kapatid na Rosalina Miguel.

Dama man nila ang hirap ng pamumuhay, subalit hindi ito nakahahadlang upang hindi matugunan ng pamilya ni Kapatid na Rosalina ang kanilang mga pananagutan sa Diyos. Hindi man nagkamit ng saganang materyal na bagay, ang itinuturing ni Kapatid na Rosalina bilang tunay niyang yaman ay ang kaniyang kahalalan at tungkulin na ibiniyaya sa kaniya ng Diyos. “Ako ay 46 na taon nang maytungkulin. Mula noong ako ay 35 taong gulang ay tumanggap na ako ng tungkulin bilang diakonesa sa aming lokal. Hanggang ngayon na 81 taong gulang na ako, sa awa ng Diyos ay nakatutupad pa rin ako ng tungkulin,” pahayag ni Kapatid na Rosalina.

Para sa mga tunay na kaanib ng Iglesia Ni Cristo, ang pinakamahalagang maipamamana nila sa kanilang mga anak ay ang pagpapahalaga sa banal na kahalalan. Dahil dito ay lalong tumitibay ang kanilang pag-asa sa pagtatamo ng mga pangako ng Diyos—ang buhay na walang hanggan at ang pananahanan sa Bayang Banal, na pawang hindi matutumbasan ng anuman dito sa mundo. Pahayag ni Kapatid na Rosalina, “Ito ang itinuro namin sa aming mga anak—ang lubos na pagpapahalaga sa tungkulin. Sa awa ng Diyos ay niloob Niya na ang aking mga anak ay maging maytungkulin din sa Iglesia. Ang isa’y ministro, ang isa’y pangulong diakono, at mayroon namang diakonesa.”

Kailanma’y hindi lilimutin ng Diyos ang pagpapagal ng mga tunay na hinirang Niya. Ang Kaniyang mga pangako ay nagsisilbing inspirasyon para sa kanila upang magpatuloy hanggang sa matapos ang kanilang takbuhin. Dahil dito, hanggang ngayon ay masiglang maytungkulin si Kapatid na Rosalina—laging nakikipagkaisa sa lahat ng mga gawain sa Iglesia.

Pahayag pa niya, “Tulad ng itinuro ng ating Tagapamahalang Pangkalahatan, napakahalaga na lumakad tayo nang may integridad. Sa pamamagitan ng ating patuloy na pagsunod sa mga utos ng Diyos at sa pagpapahalaga natin sa ating tungkulin ay makaaasa tayo sa mga pangako Niya, hindi lamang sa buhay na ito kundi, higit sa lahat, sa buhay na darating.”


Malapag, Carmen, Cotabato
Sinulat ni Aisa Montefalcon

Para sa mga magsasaka, ang pag-aani ng kanilang itinanim ang isa sa mga pinakamaligayang pagkakataon sa kanilang buhay. Subalit, naranasan ni Kapatid na Tirso Dalapo, 65, isang magsasaka, na kahit isang butil ay wala siyang naani mula sa mais na kaniyang itinanim. Ito pa naman ang pangunahing pinagmumulan ng kaniyang ikinabubuhay. Ayon sa kaniya, “Pagdating ng tag-ani, wala na talagang natira at inubos lahat ng salot na mga daga.”

Ito rin ang sinapit ng iba pang mga nagsasaka sa kanilang lugar. Bagaman hindi kailanman nawalan ng pag-asa, hindi niya ininaila na ito ay di-pangkaraniwang pagsubok para sa kaniya. “Ngayon lang talaga nangyari na wala talagang naani kahit na kaunti,” sabi niya.

Dumaan man sa matinding karanasan ay hindi ito nakabawas sa alab ng pananampalataya ni Kapatid na Tirso, bagkus ay lalo pa siyang nanalig sa kapangyarihan ng Diyos at lalong nagtatalaga sa pananalangin. Aniya, “Kalooban ng Diyos na dumaan tayo sa mga pagsubok. Ang ginawa namin ng aking pamilya ay nagpatuloy sa pananalangin na tulungan Niya kaming makalampas sa pagsubok na ito.”

Malapag, Carmen, Cotabato

Hindi binigo ng Diyos ang pagsamo ng pamilya ni Kapatid na Tirso. Sa ibang kaparaanan ay pinadaloy ng Diyos ang Kaniyang mga biyaya. Sa pamamagitan din ng pagtitiyaga, nagbunga ang ibang tanim ni Kapatid na Tirso na siyang nagbibigay sa kanila ngayon ng pagkakakitaan. “Kahit wala talagang naani mula sa mais, nakahanap pa rin kami ng paraan para kumita.”

Pagsasalaysay ni Kapatid na Tirso, “Nagbunga ang tanim naming saging at mga gulay. Ito ang aming itinitinda.” Subalit, bagaman may naani mula sa ibang pananim nila ay hindi pa rin naging madali ito para sa kanila. Ayon sa kaniya, “Bunga ng pandemic, napakamura ng bentahan ng saging.”

Sa halip na manlumo sa sunud-sunod na naranasan, ang higit na tiningnan ni Kapatid na Tirso ay ang biyayang ibinibigay ng Diyos sa kanila. Buong-puso ang kaniyang paninindigan, “Ganito man kahirap ang aming pinagdaraanan, sapat ang aming kinikita upang maayos kaming makapamuhay at, higit sa lahat, may nagagamit kami sa aming paglilingkod sa Diyos.”

Hindi sa mga bagay sa mundong ito nakatuon ang buong pansin ni Kapatid na Tirso. “Kahit totoong nabigo kami sa inaasahang ani sa mundong ito, kung hanggang kailan man ang salot na pandemyang ito, ang higit naming tinitingnan ay ang lalong dakilang pag-aani na darating. Iyon ang pag-aani ng ating kaligtasan pagdating ng Araw ng Paghuhukom,” pananalig ni Kapatid na Tirso, pangulong kalihim sa loob ng 40 taon sa Lokal ng Malapag, Distrito Eklesiastiko ng Cotabato North.

Ang paninindigan ni Kapatid na Tirso ay tulad din ng paninindigan ng maraming kaanib at maytungkulin sa Iglesia Ni Cristo. Makasagupa man ng iba’t ibang uri ng pagsubok, patuloy nilang itataguyod ang kanilang paglilingkod sa Diyos at ang pagtupad ng sinumpaang tungkulin sa Kaniya.

Share on facebook
Share on email
Share on twitter
Share on pinterest
Share on linkedin
Share on telegram

The official website of Pasugo: God’s Message magazine of the Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ), contains religious articles, Church news, and photos

Terms and Privacy Policy

We process and collect personal data based on our Terms and Privacy Policy to improve and analyze our service.